Malakas ang hangin,
Naglalakad ako sa gilid ng kalsadang
Ni wala man lamang ni isang taong nakatambay,
Marahan ang paghakbang,
Nagiisip, tinatanaw ang mga bundok
Na nakapalibot sa isang tahimik na lugar.
Isang hakbang lang,
May nakitang anino ng ibon sa sahig ng kalsadang
Basa sa ulan, at hamog nang umagang nag daan.
Sa paglingon ko sa aking likuran,
Kasabay ng hanging may hamog pa,
Ang isang malaking dahong unti- unting bumababa
Sa madamong lugar sa gilid ng lansangan.
Pagkatanaw nito, napangiti lamang ako
Mukha mo kaagad ang tumambad sa aking isipan,
Nasaan ka na? malelate ka pa ba ng pasok sa ating paaralan?
Sentro class! Sentro!
Maririnig pa ba namin ang maliit mong boses
Na nagsasabi niyan?
Pupunta ako sa bundok
Sa tuktok ng bundok…
Sa isang bundok na kung saan dinala mo ako
Para isigaw ang galit sa mundo.
Ngunit ngayon isisigaw ko ang pangalan mo,
Vincent!Vincent! Vincent!
Marahan ang pagtulo nang mga luha,
Sisigaw ako hanggang sa matagpuan kang muli
Nang mga pusong iniwanan mo ng mga makukulay na alaala.
Alam kong maglalakbay ka na pauwi,
Ngunit bago ka tuluyang umalis,
Naway’ ibaon mo ang mga alaalang
Minsan tayong naging magkasama sa paaralan,
Naging isang katampuhan,
Naging isang tagapakinig nang mga mababaw na kwentuhan,
Naging isang kaibigan, magkaibigang hindi mag iiwanan.
Alam naming hindi ka rin lilisan,
Andyan ka lang sa tabi…
Sa mga script, tula at kwentong ginawa namin sa klase mo,
Sa mga upuang minsan mong inupuan para pakinggan,
ang mga awiting minsan na naming ipinarinig sayo.
Kaibigan, hindi mo ba alam
na lilisanin mo kaming nakatingin lagi sa pintuan nang S102?
Hahanapin namin ang mga ngiti mo,
Ang mukha mo,
ang galit mo sa tuwing tinatamad na naman kami sa klase mo,
at ang porma mong sing cool ni Vincent Rubio.
Pero ngingiti parin ako, ngingiti parin kami,
Haharapin namin ang mga bagay na nais mong
Makita namin at maranasan,
Lalabas kami, mag- iisip, mag- eexplore
Kasabay ng pag alaala ng mga payong
Nag iwan ng tatak sa aming mga puso at isipan.
Aandar kami dito Vince,
Itutuloy namin ang mga bagay na gusto mo pang maabot,
Pupunta kami sa mga lugar na ninais mong mahagkan,
At ipapakita namin sa iyo na kaya namin,
Katulad ng paniniwala mong kakayanin namin.
Hala sige na! lumipad ka na…
Hayaan mong ibuka ang pak- pak mong
matagal nang gustong gumalaw,
at magpalipat- lipat sa mga lugar na gusto mo pang Puntahan,
ngayon ay malaya ka na,
maaari ka nang sumabay sa hangin kahit saan ito magpunta.
Paalam sayo aming guro, mentor, at kaibigan,
Hindi mo man kami nakasama sa inuman,
Ay nakasama ka naman namin sa mga kasiryosohan.
Salamat sa paalala, salamat sa paniniwala,
Salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob
Upang makamit ang mga panaginip
na akala namin ay baka hindi na magkatotoo.
Pumunta ka na sa liwanag na naghihintay sayo,
Mamahinga ka na at tuluyang maging Masaya
At tatanawin ka na lamang namin sa kalangitan,
Paalam muli, paalam at salamat kaibigan…
No comments:
Post a Comment