i write

Wednesday, April 28, 2010

Nothing to do.. ???


Hindi ako makapag isip ng maayos. Para bang pinipiga ang utak ko, at sa kung anong dahilan ewan ko. In love ba ako? Malay! Eh bat wala akong ganang kumain? OMG! Ano tong pangyayaring ito??? Nasa office na naman ako, pero hindi ito ang dream job ko..pero naman!nag eenjoy ako! Hai…tulog! Minsan kailangan ko ng isang buong araw na tulog. Aba! Naman! Araw- araw ang mga mata ko nakasalagpak sa harap ng computer…pati utak ko ah, nadedrain..at ang tenga ko…hmmm. So far, hindi pa naman nabibingi…ano nga bang sabi ko? Ahhh…nageenjoy pa pala ako, at kahit na mejo maliit lang ang sweldo, IDC (I Don’t Care!) hahaha. Nakakatawa, sunod- sunod na naman ang mga naiisip kong sabihin. NO FILTERING of THOUGHT, ika nga nila..STREAM of CONCIOUSNESS naman sabi ni Vincent Jan Rubio. Waaaah! I miss my mentor, bakit kasi ang aga niyang nawala?? Madami pa sana akong matututunan sa kanya, tska sana makakasama pa naming siya mag chill, oh gumimik! haist! Pasaway! Aalis-alis kase ng bahay nang hindi sinasabi kung nasaan…ayan tuloy! Namatay nang hindi pa ata nalulutas ang kaso hanggang ngayon…wala na pala akong maisip na sasabihin…blank, blank, blank, blank, blank…BAT BA BLANKO UTAK KO TODAY, this is not my day ata. I feel uninspired, I feel wreck less, I feel totally stupid! I guess lagi naman ata akong ganito…haha, hindi naman pala siguro. Most of the time talagang lumilipad lang talaga ang utak ko. Sows! Ang nakakatawa pa dun, mahahalata mong may iniisip ako pag nakatunganga na lang ako, at mukhang blanko. In case you don’t know, I just love thinking! Ewan ko ba, pero mukhang dapat kung tawaging daydreaming. Waaaaah! Wala parin akong maisip na matino…

Parang lahat ata ng tao sa office busy…ako lang ata ang hindi, busy ako sa ibang mga bagay. Kahapon natanong ko sarili ko. Produktibo ba ako sa kumpanyang ito??? Sana naman OO! All around naman ako, kahit saan nila ako ilagay, sa tingin ko..kakayanin ko (tingin ko lang naman…???), pero ewan parin! Ewan talaga…ang gusto ko talaga, magsulat ng istorya, tapos gagawing pelikula…pagkatapos mananalo ng award, tapos ako din ang gaganap (yikes! Adik!!!). Joke lang, ang gusto ko mag direk…pero pagka iba lang ang sumusulat..ang kaso, tamad din ako eh. Pero siguro kung magaling ang artista..gaganahan ako! Well anyweiz, sana lang naman lahat ng pangarap ko matupad…sana lang makagwa ako ng pangalan..pero hindi yung sangkot ako sa isang eskandalo…ayoko non ano!! Hahaha. Basta, I will continue what I had started. Gagawin lahat ng pwedeng gawin just to reach my dreams and goals. Guts and Confidence…more prayers and TRUST GOD above all things..oh diba!?! Bongga!! I got everything I need. O siya, siya! Till next blog entry na lang..can’t say anything na. byeee!!

Tuesday, April 27, 2010

Sigaw Ni Johan

Minsan ang puso’y napipighati

sa karimlang nababalutan

nang mga bagay na hindi mo ninais na maramdaman.

Kasama ka sa along

Hindi mo alam kung saan susuong

Kasama ka sa kadilimang nilalamon nang mga tanong

Tanong na walang sagot

sagot na kinakain nang apoy

at unti- unting nauupos.

Saan ang liwanag

Ni hindi ko Makita sa ulap

Ulap na puno nang luha at hapis

Samahan pa nang daluyong nang kidlat

Na unti- unting pumapatay sa diwang

Wala nang gustong makarinig.

Baliw Ni Johan

Madumi sa kalsadang nilalakaran

Ang kanyang mga paa ay nababalutan nang mga duming ilang taon naring di nahuhugasan.

Pagala- gala, suot ang damit na dekada na ring hindi napapalitan.

Gutom siya, walang makain kundi mga basurang nahagkan na nang mga samut saring mga langaw.

Pagkagat nang dilim makikita mo siyang nasa isang madilim na sulok, nakatulala nag aabang nang kakalinga.

Ngunit wala, walang sinuman ang gustong lumapit at yakapin ang buo niyang pagkataong nabahiran nang mga elementong hindi nila kayang unawain.

Mas tumindi ang galit niya sa mundo.

Tumindi sapagkat ni hindi man lamang niya naranasan ang pagmamahal nito.

Namulat nang may dusa, tumayo sa dusa at gumapang sa dusa ngayon ay isa na siyang dusta.

Kumapit sa kung ano- ano, umasa sa mga bagay na hindi siya inasahan.

Nasira pati pag asang marating ang rurok nang kaligayahan.

Ngayon ay mas lalong gumulo ang kaniyang mundo, hindi na alam kung saan babalik, sino ang babalikan at kung ano ang dapat balikan.

Nasira nang batong pumukol sa utak niyang walang laman.

Sa lupa nanggaling at doon din babalik, halik- halik ang rosaryong nakasukbit sa leeg niyang nangingitim na sa libag.

Iiyak- iiyak, tutulo ang luhang sing pait nang apdo na susunog sa iyong lalamunan.

Oh..saan? saan ba ang katarungan? Ang buhay niya ay pinagkaitan.

Pinagkaitan nang mga pangakong hindi man lamang naitatag.

Mga pangakong lumutang, mga nangakong sinilaw siya sa kinang nang alapaap

Hanggang sa siya ay nahulog at nalugmok sa lupang natuyo

Na hindi man lamang nadiligan nang mga kinang nang butil nang ulan.

Hindi na siya makatayo, unit unti nang naaagnas ang kaniyang pagkataong matagal na ring pinatigas nang panahon.

Kasabay nito ang unti- unting pagpanaw nang mga ilaw sa kalsadang hindi man lamang siya tinatanaw.

Paalam, Vince, Paalam Ni Johan

Malakas ang hangin,

Naglalakad ako sa gilid ng kalsadang

Ni wala man lamang ni isang taong nakatambay,

Marahan ang paghakbang,

Nagiisip, tinatanaw ang mga bundok

Na nakapalibot sa isang tahimik na lugar.

Isang hakbang lang,

May nakitang anino ng ibon sa sahig ng kalsadang

Basa sa ulan, at hamog nang umagang nag daan.

Sa paglingon ko sa aking likuran,

Kasabay ng hanging may hamog pa,

Ang isang malaking dahong unti- unting bumababa

Sa madamong lugar sa gilid ng lansangan.

Pagkatanaw nito, napangiti lamang ako

Mukha mo kaagad ang tumambad sa aking isipan,

Nasaan ka na? malelate ka pa ba ng pasok sa ating paaralan?

Sentro class! Sentro!

Maririnig pa ba namin ang maliit mong boses

Na nagsasabi niyan?

Pupunta ako sa bundok

Sa tuktok ng bundok…

Sa isang bundok na kung saan dinala mo ako

Para isigaw ang galit sa mundo.

Ngunit ngayon isisigaw ko ang pangalan mo,

Vincent!Vincent! Vincent!

Marahan ang pagtulo nang mga luha,

Sisigaw ako hanggang sa matagpuan kang muli

Nang mga pusong iniwanan mo ng mga makukulay na alaala.

Alam kong maglalakbay ka na pauwi,

Ngunit bago ka tuluyang umalis,

Naway’ ibaon mo ang mga alaalang

Minsan tayong naging magkasama sa paaralan,

Naging isang katampuhan,

Naging isang tagapakinig nang mga mababaw na kwentuhan,

Naging isang kaibigan, magkaibigang hindi mag iiwanan.

Alam naming hindi ka rin lilisan,

Andyan ka lang sa tabi…

Sa mga script, tula at kwentong ginawa namin sa klase mo,

Sa mga upuang minsan mong inupuan para pakinggan,

ang mga awiting minsan na naming ipinarinig sayo.

Kaibigan, hindi mo ba alam

na lilisanin mo kaming nakatingin lagi sa pintuan nang S102?

Hahanapin namin ang mga ngiti mo,

Ang mukha mo,

ang galit mo sa tuwing tinatamad na naman kami sa klase mo,

at ang porma mong sing cool ni Vincent Rubio.

Pero ngingiti parin ako, ngingiti parin kami,

Haharapin namin ang mga bagay na nais mong

Makita namin at maranasan,

Lalabas kami, mag- iisip, mag- eexplore

Kasabay ng pag alaala ng mga payong

Nag iwan ng tatak sa aming mga puso at isipan.

Aandar kami dito Vince,

Itutuloy namin ang mga bagay na gusto mo pang maabot,

Pupunta kami sa mga lugar na ninais mong mahagkan,

At ipapakita namin sa iyo na kaya namin,

Katulad ng paniniwala mong kakayanin namin.

Hala sige na! lumipad ka na…

Hayaan mong ibuka ang pak- pak mong

matagal nang gustong gumalaw,

at magpalipat- lipat sa mga lugar na gusto mo pang Puntahan,

ngayon ay malaya ka na,

maaari ka nang sumabay sa hangin kahit saan ito magpunta.

Paalam sayo aming guro, mentor, at kaibigan,

Hindi mo man kami nakasama sa inuman,

Ay nakasama ka naman namin sa mga kasiryosohan.

Salamat sa paalala, salamat sa paniniwala,

Salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob

Upang makamit ang mga panaginip

na akala namin ay baka hindi na magkatotoo.

Pumunta ka na sa liwanag na naghihintay sayo,

Mamahinga ka na at tuluyang maging Masaya

At tatanawin ka na lamang namin sa kalangitan,

Paalam muli, paalam at salamat kaibigan…