I made a radio plug at our station and this is the Poem i did that i inserted there :)
SINO NGA BANG HINDI IIBIG
SA MGA KAMAY MONG MAY LAMBING AT INIT
SINO NGA BANG TATANGGING
DINALA MO AKO SA SINAPUPUNAN
AT TINIIS ANG SAKIT AT PAGDURUGO
PARA LAMANG BIGYAN AKO NG BUHAY
AT KINABUKASAN
DUMANAS NG HIRAP
IGINAPANG AKO SA DUSTANG KALAGAYAN
WAG LANG MARANASAN ANG KARALITAAN
TINIIS ANG LAHAT NG PASAKIT
HUMANAP NG PARAAN
WAG LAMANG AKONG MALUGMOK SA KAHIRAPAN
AT MAKAPAG ARAL NG LUBUSAN
ANDIYAN KA, SA KASIYAHAN MAN O KALUNGKUTAN
SA PAGDURUSA MAN O KATAGUMPAYAN
HINDI PARIN MAPAPANTAYAN
ANG PAG IBIG MONG DI MABABAYARAN NG KUNG ANO MAN
ANG LUHA MO’Y SING TAMIS NG TUBIG SA BATIS
ANG HAPLOS MO’Y SADYANG PAG IBIG ANG MABABATID
MAHAL MO AKONG TALAGA, AKING INA
KAYA HATID KO SAYO’Y PASASALAMAT AT PUNA
SALAMAT SA MATAMIS NA NGITI
SA TUWING AKO’Y NASA PAG ANGAT
SALAMAT SA KATOTOHANANG PAGPUNA
SA TUWING AKO’Y NASASADLAK SA KADILIMAN
SALAMAT, SALAMAT…
SA WALANG HANGGANG PAG GABAY
ANG PUSO KO MAY PATULOY NA NAGLALAKBAY
HINDI KA PARIN KAYANG IWAN
NG PUSO KONG SABIK SA UGOY NG IYONG DUYAN.
No comments:
Post a Comment